Thursday, November 29, 2012

My First Rap Song :)



Nandito Ako

Bakit ba
Sa tuwi na lang nakikita kita
Na nagtyatyaga
Sa tuwing siya ang yong kasama
Ay di na
Mapigil ang galit at inis
Parang gusto ko na yatang
Hambalusin ng walis
 Ang bf mo
Na sayo ay walang pakialam
At pacool ng pacool
Kahit maraming may alam
Na hindi lang ikaw
sinasabihan nyang I love You
Sya ang yong One and Only
kaso ika'y 1 out of 42
Samantalang ako
nandirito lang sa gilid
kinukulong nadarama sayo
parang Bilibid
Believe it or not,
gaya lang ng show ni Ripley's
mapaligaya ka lang
handang handa 'kong magtiis
And the truth is
gusto ko lang malaman mo
Na ikaw lang ang sagot
sa mga dalangin ko
At kahit pa habang buhay
maghihintay ako
tingin ka lang sa tabi-tabi
kasi Nandito lang ako

Nandito ako
Umiibig sayo
(oo totoo talagang minamahal kita)
Kahit na, nagdurugo ang puso
(magtitiis basta't makasama lang kita)
Kung sakaling iwanan ka nya
(dito ka na lamang sa akin,
hinding hindi ka na muling luluha pa)
Wag kang mag-alala
May nagmamahal sayo
Nandito ako

Eto pa, verse 2
noong november 22
hindi ba anniversary nyo yun
suot mo pa ay blue
nakatambay, naghihintay
doon sa sunken
garden, katext mo pa ang yong besprend
na si Brenda, at sa kanya ko rin nalaman
9 o'clock pa lang
andon ka na sa UP Diliman
pero teka lang
sandali lang, anumfetcha na?
4 in the afternoon, nag-iisa ka pa
langhiya naman
bakit kayang nyang gawin yan?
Di man lang ba nya naisip
na baka di ka pa nagtatanghalian?
At maghapon na na nakabilad 
sa ilalim ng araw ang yong ganda
di mo lang alam andun ako
Nagbabantay sa twina
kitang kita ko sa yong
mata ang yong lumbay
gusto ko na sanang lumapit
hawakan ang iyong kamay
kung lumingon ka man lang sana
makikita mo kong naghihintay
Nandito ko, nag-aabang
merong payong plus tinapay


Nandito ako
Umiibig sayo
(oo totoo talagang minamahal kita)
Kahit na, nagdurugo ang puso
(magtitiis basta't makasama lang kita)
Kung sakaling iwanan ka nya
(dito ka na lamang sa akin,
hinding hindi ka na muling luluha pa)
Wag kang mag-alala
May nagmamahal sayo
Nandito ako


Ohhhh


Nandito ako
Umiibig sayo
(oo totoo talagang minamahal kita)
Kahit na, nagdurugo ang puso
(magtitiis basta't makasama lang kita)
Kung sakaling iwanan ka nya
(dito ka na lamang sa akin,
hinding hindi ka na muling luluha pa)
Wag kang mag-alala
May nagmamahal sayo
Nandito ako




Pero ayoko naman na naninira ng relasyon
Kaya maghihintay na lang ako kahit ilang henerasyon
Nais ko man lang sana matatak sa isipan mo
Subukan mo lamang lumingon makikita mo

Nandito ako

Tuesday, November 27, 2012

Why Do I Miss You?

Why Do I Miss You?

Why am I missing you
When you're just around the corner?
Why am I upset
While everything else is in order?

Just when I thought
I finally belong
What did I do?
Where did I go wrong?

Or is it fate once more
Playing games with my heart
Making me miss you so bad
Though we're just inches apart

I long for you badly
It's very awkward to say
Cause we know for a fact
We see each other everyday

So please, when I tell you
That I miss you, don't ask me why
Cause I may never know the answer
No matter how hard I try